Dating a Geek, Crimson Skye [find a book to read txt] 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek, Crimson Skye [find a book to read txt] 📗». Author Crimson Skye
Nagmamadaling pumasok ng café si Paige, looking for a vacant spot. Halos lahat ay occupied na at mukhang maraming tao ngayon kesa dati. Luckily, she still found one. She hurriedly made her way. Sa kanyang pagmamadali, she accidentally knocked on someone’s arm. Mabilis niyang nilingon lung sino ang natabig niya. Namilog ang mga mata niya nang makita niya si Tiffany with its clothes soaked with kiwi juice that spilled all over its chic tops. Hindi lang yon, masama ang tingin nito sa kanya. Halatang disappointed sa pagkakatapon ng kiwi juice sa iniingatan nitong mamahaling damit. Nagmukha tuloy itong si Incredible Hulk dahil sa naging berde ang suot nito.
“S-Sorry. Hindi ko sinasadya!” Mabilis na kinuha ni Paige ang kanyang panyo and was about to wipe away the drenched part.
Tiffany hurriedly stand to her feet, raising her both arms na para bang ayaw pahawakan ang kanyang outfit. “Don’t you ever touch me!” Napatigil naman si Paige nang marinig ang sinabi ni Tiffany. Natahimik ang lahat ng nasa cafe. Eto na naman siya. Center of attention na naman. Paanong hindi makakaagaw nang atensyon si Tiffany? The lady was an acknowledge personality at University of Hartford! Halos lahat in-favor of that brat kaya naman may kakayahan itong gawin lahat ng gusto nito. In fact, nasa top si Tiffany in terms of academic ranking with its significant good grades. Si Paige naman ang second. Sayang nga at second lang siya. With a renowned mother, Dr. Cynthia Cooper, talagang mahirap makipagkompetensya. Besides, the girl had a brain too kahit papaano. “You always irritates me. Lagi nalang!” Pahabol pa ni Tiffany.
Paige clenched her fist but remained in silence. Inis na umalis si Tiffany at derektang pupunta sa ladies’ room. Malas lang ni Paige at nasa direksyon nya yong daan papuntang ladies’ room. Tinulak siya nito sabay sabing, “Out of my way!” Nabigla siya at nawalan ng balance sa pagkakatulak nito, idagdag pa ang pagkakatalakid sa bangko na nasa likuran niya. Paige instantly fell down in a shameful stance. Napatingin sa kanya ang lahat at sumunod ang nakakarinding tawanan ng mga ito. Nanggagalaiti si Paige sa inis at namumula sa hiya. Tiffany chuckled, at mapang-inis pa siyang tiningnan. Isa sa mga kaibigan nito ang nag-abot ng isang basong juice. “Para maging patas naman tayo.” Her eyes widened. Nababaliw na ata ang babaeng ito. Hindi naman niya sinasadya ang pagkakatapon ng juice dito pero ang gagawin nito ay below the belt na. Tiffany will definitely pour all the juice over her. Konti nalang at tutulo na ang juice sa baso! If that happens, sasabunutan na talaga niya ang malditang babaeng ito! Wala na siyang pakialam kung ma-spell man siya or what.
“Nababaliw ka na nga,” bulong ni Paige. Ituloy mo lang yan. Yari ka sa'kin.
Napahagalpak lang ng tawa si Tiffany at akma nang ibubuhos ang juice sa kanya nang may biglang kumuha ng juice sa kamay nito. It was Stephen at nakangiti pang ininom ang juice sabay tumingin ng makabuluhan sa kanya. Tiffany gazed on the young man with a probing look. Tiyak na lalong nadagdagan ang inis nito. “Saan naman nanggaling ang asungot na ‘to ?! Ngayon ko lang ata sya nakita a,” bulong ni Tiffany.
“This was good,” Stephen intoned and smiled sardonically. Ibinuhos na ni Stephen ang natitira pang juice sa sahig at iniabot ang wala nang laman na baso pabalik sa kamay ni Tifanny. “O eto. Salamat ha?” Paige watched in silence. Napatingin naman sa kanya si Stephen with its wide smile saka sya itinayo. Mukhang even na rin sila ni Stephen ngayon. They left the café at once, leaving Tiffany and everyone in great bemusement.
Napabuntong-hininga na lang si Tiffany saka nagtanong sa friend nito, “Who exactly was that?”
Nagkibit balikat naman ang kaibigan nito saka sinabing, “Friend ni Paige?”
Tiffany rolled her eyes and glowered. Malamang kaibigan ni Paige yon! She knew that for crying out loud. She let out another breath of despise saka nag-walk out. Bakit nga ba hinahayaan niyang makisalamuha siya sa mga stupid person sa University na yon!
***
Naupo sila sa isa sa mga bench sa ilalim ng puno. The breeze was bracing up their senses. Tahimik at refreshing hindi katulad kanina na intense. “Why don’t you fight back? Doon ka naman magaling di ba?” Stephen inquired, glancing at her.
Paige made a face and simpered. Anong gustong palabasin ng lalaking ito sa last line na binitawan nya? Na palaaway siya? Gusto sana niyang makipagdiskusyon dito pero nasabi nalang niya na… “It was my fault.” She chuckled and added, “Saka hindi ko naman ugaling makipag-away sa isang babae.”
Stephen arced a brow and sniggered. “Whoa. Napaka-gentlewoman mo naman pala.” The two laughed in unison. Hindi maipaliwanag ni Paige kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya sa taong ito. He was easy to get with. Ito palang ata ang kauna-unahang boy friend niya. Ooops. Don’t get that wrong! Close na guy sa kanya. How he look that does not matter at all. Okay lang kung nerd or geek o kahit ano pang itawag nyo sa fashion niya. Hindi naman siya tumitingin sa outer shell ng isang tao. On top of that, he somewhat seems interesting unlike sa ibang nerds na kilala niya na nakakainis lang. Maya-maya pa narinig nalang niyang nagsalita si Stephen. “May sugat ka ata. Look. You’re bleeding.” Itinaas pa nito ang siko na para bang tinuturo kung saang parte yong sinasabi nito.
Napakunot ang noo ni Paige at agad na chineck ang siko niya. Goodness gracious! Meron nga siyang bruise pero maliit lang naman. Blood were still dripping from it. “Ah, ito ba? Wala lang ‘to.” Bago pa niya mapunasan ito ng sariling panyo, Stephen took a hold of her hand and dressed the wound with his own handerchief.
“A-Ano ka ba naman. Hindi mo na kailangang gawin yan. Kaya ko naman! Inunahan mo lang ako e” sabi pa ni Paige, pinipigil ang pagkahiya at pamumula ng pisngi niya. That was definitely awkward.
Stephen smiled and said, “Okay lang. Minsan lang ‘to. Libre pa. Next time, may bayad na.” Marahan nitong pinunasan ang dugo sa siko nya. Paige watched him, unti-unti nang nag-bablush. Stephen made her realize that not all guys were pervert and egocentric. Siguro napatama ang siko nya sa sahig o kaya nagasgas sa upuan. Hindi naman kasi niya naramdaman ang hapdi kaya hindi niya ito napansin. Stephen put her hands back after all the blood had been wiped out. “That would not make a scar. Don’t worry.”
Paige chuckled. “Hindi naman ako takot sa peklat e.” Tinitigan niya ito ng ilang sandali and said, “I had been into a dozen of fights, para sa iyong info. Kaya wala na ‘to sakin.”
Napaarko ang kilay nito. Hindi siguro makapaniwala sa narinig. And his eyes, behind those glasses were magnificent sa paningin ni Paige with its nut-brown shade. Idagdag pa ang inosente ngunit pilyong ngiti nito. “Nakakatakot ka pala.” Stephen followed with a sexy laughter. He had such a wonderful voice for a guy. Kung tutuusin pwede na itong maging singer. Siguro may hidden talent ito sa singing.
“I think, hindi ko na dapat i-attempt pa na inisin ka.”
Paige chuckled but never say anything. She does not mind actually. Mukha naman itong nice kaya hindi muna niya papansinin ang mga patama nito. A question suddenly flashed on her mind. Napabaling siya dito saka nagtanong. “Bakit ka nga pala napadpad dito sa Hartford?” Ngumiti lamang ito pero mas pinili pa ring manahimik. “Pristine was an awesome place. Halos lahat mataas ang tingin sa University na ‘yon!” she added, nag-iexpect for a better response kesa sa nakakabingi nitong silence.
He gazed at her as if thinking of something then finally saying, “Meron lang akong mga bagay na kelangang ayusin dito.” Ngumiti ito saka inilayo ang paningin sa kanya. Paige got the sign. Malamang ayaw na nitong pag-usapan ang topic ng paglipat nito sa University nila. Kahit na gustong-gusto niyang usisain ito mas pinili nalang ni Paige na manahimik. Stephen was the most inexplicable geek she had ever known.
Napahinga ng malalim si Paige tanda ng pagsuko. “Well, kung ano man yon… it’s for you to keep,” she finished with a smile. Wala naman pati siyang balak na makisawsaw sa buhay ng ibang tao. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi nito as he lean his elbows upon the sturdy bench. Napatingin ito sa relo. Next class would start in just a matter of minutes. Another boring lesson again.
Halos buong araw silang magkasama noong araw na ‘yon. A start of friendship in a specks of courage. Kahit na may ilang nang-aasar sa kanila at tinatawag silang mga losers they just don’t mind them. Kahit na kung minsan ay napupuno na si Paige sa mga ito, sya namang pigil sa kanya ni Stephen with a shook of his head. It was, in some way, nakatulong sa kanya in handling her own behavior. Sobrang war-freak na nya kasi kung papatulan nya ang lahat ng pambu-bully ng mga batch mates nila sa kanila. Ayaw rin naman niyang mawala ang lady-like manner niya kahit papaano. At doon na rin natapos ang buong araw nila.
“Need a ride home?” Stephen asked habang ibinababa ang salamin ng luxury car nito. Halos atakihin naman si Paige sa pagkagulat sa biglang pagtigil ng sasakyan sa tabi niya. Ipinilantik niya ang pilik saka tuluyang huminto sa paglalakad. Napatigil siya hindi dahil sa free ride. She set a wry smile on her face. Home. Naalala niya ang rental bills niya. Di magtatagal at papalayasin na siya ng bruhang land-lady nila. Napansin naman ni Stephen ang pagbabago ng mood niya. “Why? Anything wrong?” kunot-noo nitong usisa.
Napailing si Paige. “A-Ah. W-Wala naman,” she stammered. “Wag mo akong pansinin.” Napatigil siya saka idinagdag pa… “Una ka na. Malapit lang naman yong tinutuluyan ko e.”
Stephen nodded. “Ok. See you tom.” Mabilis na umalis ang sasakyan at matamlay na pinanuod lamang ito ni Paige. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya saka nagpatuloy sa paglalakad. That guy was lucky. Napaisip tuloy siya kung saan nakatira si Stephen. Oh, well, for a guy who came from the renowned institution, ano pa nga ba ang dapat i-expect? She shove her hand into her pocket sabay sipa sa isang maliit na bato habang daan. Trabaho, side-line, part-time job… Yon lang yong mga salitang nag-iecho sa isip nya.
Chapter SIxPapaakyat na si Paige ng hagdan pero mukhang masama ata ang pakiramdam niya. Her legs were somewhat trembling with every step she takes. Parang umiikot ang paligid niya
Comments (0)