Missing Pieces, Krizyra Rivera [13 ebook reader .TXT] 📗
- Author: Krizyra Rivera
Book online «Missing Pieces, Krizyra Rivera [13 ebook reader .TXT] 📗». Author Krizyra Rivera
'Masaya ka na ba!? Nasira mo na lahat sakin at sa kanila! Pagod na pagod na akong intindihin ka! Kahit kailan hindi mo ipinaramdam na mahal mo ako! Tapos ngayon hihingi ka ng tawad? Patawad dahil ano ha!? Dahil niloko mo ako? Pati siya? Ilang taon ko ring kinimkim to! Hindi mo alam kung gaano kasakit na may nakikita kang mahalagang tao sayo na umiiyak dahil sa pagkakamaling ginawa mo. Bakit hindi ka na lang sumama sa kanya, tutal masaya kang kasama siya. Hindi mo kami kailangan sa tabi mo. Nasaan ka nung kailangan ko ng masusumbungan!? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng tagapagtanggol!? Nasaan ka noong masaya ako? Noong umiiyak ako, nasaan ka!? Hindi ba wala ka sa tabi ko? Wala ka dahil masaya ka sa iba. Don't ever talk to me, because from now on I'll forget about you.' Umalis ako sa madilim na lugar na iyon kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang unti-unting umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naramdaman kong may yumakap sa paa ko kaya napatigil ako at pinunasan ang aking luha na ayaw tumigil sa pag-agos.
' Pakiusap kahit patawarin mo lang ako. Aayusin ko ang lahat. Pakiusap' nakita kong umiiyak rin siya. Pero wala na akong maramdamang awa. Naging manhid ako sa lahat ng ginawa niya. Imbes na sagutin ko siya'y tinggal ko yung kamay niyang nakakapit sakin at tuluyan nang umalis.
And everything went black...
Nagising ako dahil sa napanaginipan ko. Naramdaman ko na lang na may basa ang pisngi ko kaya agad kong pinunasan iyon. Kahit ngayon pala apektado pa rin ako sa nangyaring yun. Mas mabuti nang nandito ako sa malayong lugar para makamove on sa mga nangyari sa amin.
Tinignan ko ang orasan sa tabi ng kama ko. 5:30 na pala ng madaling araw. May event pa kami mamaya at kasama ako sa mga ushers na binilinan ni Ma'am Mimi. Agad na akong tumayo sa kwarto namin para hindi magising sina Ate Nicxe at Paui na mahimbing pang natutulog.
Paglabas ko ng kwarto namin tumambad agad sa akin ang hindi kalakihang kusina dito sa inuupahan naming tatlo, sakto na to para sa amin dahil hindi naman kami palaging nalalagi dito. Kinuha ko kaagad yung airpot at nilagyan ng malinis na tubig saka ko sinaksak at in-on para uminit na.
Pagkalipas ng limang minuto ay uminit na ang tubig kaya agad akong kumuha ng sachet ng kape at nagtimpla saka ako dumiretso sa banyo na nasa side lang ng kusina since maliit na L shape yung kusina dito sa tinutuluyan namin. Magpapainit rin pala ako ng pampaligo ko, malamig kasi dito sa Baguio.
Pagkalipas ng 30 mins ay tapos na akong maligo at magpalit. Sa school na lang ako kakain ng breakfast dahil for sure mahaba na naman ang pila ng jeep sa labasan. Kinuha ko na lahat ng gamit ko na kakailanganin para sa event mamaya saka ako nag-iwan ng note para sa dalawang maiiwan dito since mamayang hapon pa naman ang pasok nila.
" ate's,
Nauna na ako sa school. Magluto na lang kayo mamaya ng breakfast niyo. Loveloveee!
Bb. Krizia R.
Yan lang yung laman ng note ko dahil panigurado magtataka sila kung nasaan ako dahil panghapon rin sana ako ngayon kaso nang dahil sa event ngayon at dahil kinuha rin ako sa Office ng Department namin para mag-usher ng mga participants. Hindi ko rin sila nakausap kahapon dahil bagsak na silang dalawa.
Dahan- dahan kong sinara ang pinto at nagpatianod na ako sa aking paa papunta sa paradahan sa kanto na mga ilang metro Ang layo mula rito sa amin. Katulad ng aking nakasanayan, habang naglalakad ako'y kinuha ko sa bag yung earphone ko at sinaksak sa aking tenga.
Nakikita ko na ang kanto, laking pasalamat ko nang makita kong walang pila at may naghihintay na jeep. Agad akong sumakay sa jeep dahil isa na lang pala ang hinihintay. 'Sana makaupo ako ng maayos', iyan ang tumatakbo sa isip ko habang papasok sa loob ng jeep. Minsan kasi'y hindi ako nakakaupo ng maayos dahil siksikan, kahit hindi na kaya pinipilit pa rin.
Nakaupo ako sa may side ng driver at kung sinuswerte ka nga naman ngayon, nakasabayan ko ang kilala naming pastor at nilibre niya ako ng pamasahe. Tatanggi sana ako pero sabi niya bawal ang tumanggi. Lumipas ang tatlumpong minuto ng makarating ako sa school. Binati ko kaagad ang guard na nakabantay sa Gate 2, at dirediretso akong pumasok sa loob ng school at kumanan lang ako dahil magrereport pa raw ako sa Office namin.
"Asan po yung mga kasama ko ma'am?", tanong ko kay ma'am Kath dahil siya lang ang nasa office. "Anak pakitignan na lang sa theater ", sagot naman ni ma'am sa akin kaya nagpaalam agad ako at dumiretso na sa Theater.
"Hoy Rivera kanina pa kami naghihintay! Late ka na naman", bating sabi ni President ng ComSoc na kaibigan ko rin at the same time.
"Alam mo wag kang epal dyan Pres. wala pang 7:30 at ipapaalala ko lang na 7:30 ang call time natin" sabat ko naman na ikinatawa niya.
"Sige baba ka na tapos ikaw na lang daw magbantay sa may BRS building just in case na may maligaw na participants doon tapos iguide mo papunta dito" explain niya sakin habang tango lang naman ang sagot ko. Agad akong tumalikod sa kanya tapos bumaba ako gamit ang hagdan dahil 2nd floor ang theater namin at nasa left wing ng school ang BRS building.
Agad akong pumwesto sa may bukana ng BRS gate. Habang naghihintay ako ay nagmamasid ako ng mga kapwa ko estudyante na abala sa paglalakad papunta sa kani-kanilang klase, ang iba'y tumatakbo na dahil malapit na silang malate, ang ina'y hinihintay yung mga barkada nila.
Hindi ko naman inisip na dahil sa pagmamasid ko'y makikita ko kung ano ang pakiramdam na matagal ng tinggal ko sa loob ko.
Napukaw ang atensyon ko sa isang kotse na huminto sa harapan ko. Nakaopen yung bintana ng kotse kaya kitang kita ko yung tao sa loob. Biglan akong naawa sa sarili ko, naiinggit ata ako. Kahit sabihin ko sa sarili kong huwag akong tuminginat taksil ang aking mata dahil doon pa rin ako nakatingin.
Namumuo na ang luha sa aking mata ngunit pilit kong nilalabanan ang pag-agos nito. Sana ako rin hinahatid. Sana ganyan rin siya noon. sabi ko sa sarili ko.
Sa loob ng kotse ay may dalawang lalaki, mag-ama. Kita ko sa bata na masaya siya dahil tumatawa siya habang kausap ang dad niya, humihingi ata ng allowance. Tumatawa rin ang dad niya. Hindi alintana ng binata na may tumitingin na sakanila dahil rin sa ingay nila. Ang ikinagulat ko'y hinalikan ng binata ang kanyang dad sa pisngi tapos bigla na lang siyang bumaba. Biglang nagtama ang mata namin nung tatay ng binata. Nagulat siya at ako nama'y umalis habang umiiyak. Uuwi na lang ako, sasabihin ko na lang na masama pakiramdam ko.
Bakit ganon? Bakit pinaparamdam ng mundo na may kulang sa akin? Sabi ko hindi na ako iiyak nang dahil sa kanya. Iniwan niya kami ni mama. Ni hindi niya nagawang ihatid ako o sunduin sa school, ni kahit nga umattend ng meeting wala e, palagi rin siyang wala kapag birthday ko at ang masakit nalaman kong may ibang pamilya si papa noong 18th birthday ko kaya wala siya bilang first dance ko dahil naconfine yung anak nila nung babae niya. Ang sakit pa rin pala. Kahit pilitin kong kalimutan na wala akong tatay, mahirap pa rin. Hindi ko akalain na nadito pala sila sa Baguio. Ang sakit lang kasi na yung taong nagbubuhat sayo noong bata ka, yung ideal type ko, yung role model ko, at yung tatay ko ay mas piniling makasama ang 2nd family niya kaysa sakin, kaysa sa amin. Hindi lang jowa yung naaagaw e, pati tatay. Sana ako yung hinahatid niya diba. Pero ngayon wala na. Patuloy lang ang paglaglag ng luha sa pisngi ko. Ahhhh so eto yung kulang sakin huh, pagmamahal ng isang TATAY. Nagvibrate ang cellphone kayat binasa ko kaagad kung sino ang nagtext. Bigla na lang akong ngumiti ng mapait dahil sa laman ng mensahe ng nagtext.
'Anak si Papa to. Mahal ka ni papa. Sana mapatawad mo na ako.'
Mas lalo pa akonh nahagulgol dahil ngayon lang akong tinawag na anak ni papa. Siguro kahit wala na siya sa tabi ko, kahit galit pa rin ako sa kanya, pipilitin kong punan ng espasyo yung iniwan niyang butas sa puso ko. It's time for me to move forward. Papa mahal kita pero hindi ko pa kayang kausapin ka. Siguro sa tamang panahon papa. Sana may panahon pa.
ImprintPublication Date: 11-27-2019
All Rights Reserved
Dedication:
This is for our Digital Publishing Class. Handled by Sir William Garado. At the University of the Cordilleras.
Comments (0)