readenglishbook.com » Mystery & Crime » Dating a Geek, Crimson Skye [find a book to read txt] 📗

Book online «Dating a Geek, Crimson Skye [find a book to read txt] 📗». Author Crimson Skye



1 ... 7 8 9 10 11 12 13 14 15 ... 24
Go to page:
pa ang paghuhugasin niya. Baka kelangan ng lihahin ang kakapalan ang fes nya. Akma na siyang maghuhugas nang buksan niya yong gripo. Grabe naman pala kung maka-flow yong tubig dun sa gripo na yon. At ang resulta nabasa tuloy siya.

Muntik nang masamid si Stephen ng makita ang itsura nya. “Anong nangyari sa’yo?” Mabilis itong nagpunta sa shower block para kumuha ng towel. Pupunasan sana nito yong nabasang parte ng damit niya pero ang masama lang sa dibdib niya halos tumapon yong tubig. Napaatras si Paige nang akma nang pupunasan ni Stephen yong dibdib nya. Nag-blush na naman ang cheeks nya. Ano sa tingin ng lalaking ito ang gagawin nya? Mukha namang naguluhan si Stephen sa pag-atras ni Paige. Patay-malisya lang.

“Ano sa tingin mo ang gagawin mo hah?!” she covered her chest with an arm. Medyo bakat na kasi yong suot nyang brassiere.

Napatigil si Stephen. Man, he forgot that she was a girl na naging dahilan ng pagtawa nito. “Sorry. I forgot that you were a girl.” Inihagis nalang nito sa ulo ni Paige ang towel saka ito iniwan para na rin sa privacy. Dali-daling pinunasan ni Paige ang mukha at damit nya nang makaalis na ito. Naiinis siya sa way ng pagtawa nito. He forgot that she was a girl daw? Anong gusto nyang palabasin? Pinuri-puri ko pa naman sya sa niluto niya! And he was just about to touch her! Pervert. Napailing nalang si Paige. This was a mess. Binalot nalang niya ng towel yong dibdib nya saka nagpatuloy sa paghuhugas ng mga pinggan.

Nang matapos na sya, mabilis nyang inayos yong mga dala nya at ready na para sumibat. Hinintay rin nya si Stephen para magpaalam. Napakabastos naman kung lalayasan na lang nya ito. Ibinalik na nya yong towel sa block. Medyo basa pa rin yong damit nya pero mas ok na kesa kanina. Narinig nyang bumukas yong pinto at agad naman syang tumayo, nakatingin pa rin sa basa nyang t-shirt. “Aalis na ako.” Sabi niya saka isinuot ang short-fit cap nya. Hindi pa rin niya tinitingnan si Stephen.

“So, anong plano mo ngayon?” He found himself asking. Kahit hindi niya ugali ang makialam sa buhay ng iba. Hindi rin nya masabi kung bakit nya gustong malaman ang mga plano ni Paige.

“Nag-aalala ka na nyan?” tanong rin ang isinagot nito sa kanya, habang naka-ekis ang dalawang kamay sa may dibdib nito. Agad pa nitong kinuha ang bag saka naglakad palapit sa pinto. Sumulyap ito sa kanya. “Thanks sa lahat.”

He was glad hearing those. “Babalik ka ba sa inuupahan mong bahay?” tanong ulit niya dito. Shoving a hand into the pocket of his jeans saka lumapit. He could not explain why he care to know. Gusto lang nya.

“Bakit naman ako babalik dun?” She tightened her cap. May ilang hibla ng buhok ang natira sa gilid ng mukha nito. Astig pa rin ang dating kahit basa ang damit. “Besides, I got all my things naman,” dagdag pa nito sabay turo sa bag na nasa likod.

“Yan lang lahat ng gamit mo? Seryoso?” For a woman, she was quite peculiar sa unti ng gamit nito. Hanga na talaga sya sa isang to. Daig pa ang mananakawan. Always on the go.

Napakunot-noo si Paige sa tanong niya. Was that impossible? “Hindi kasi ako nag-iipon ng maraming gamit… Sige, alis na ako.” Baka humaba ang pag-uusap nila. Napakarami pa nyang problema na dapat solusyunan.

“Sandali.” Hinagis ni Stephen ang isang pair ng sapatos. It was unicolor with a bit of feminine touch. Maliit kasi ang strand tapos may ribbon pa sa gilid. “Hindi ka makakapaglakad ng maayos dyan sa sapatos mo.”

She knitted her brow, gazing back at Stephen. Nakakaloka rin itong taong ‘to a. Saan naman kaya nito nakuha ang sapatos na ‘to. “Hindi mo naman isinusuot ito, di ba?”

He smirked. Definitely not. Sino bang matinong lalaki ang magsusuot nun? Paige took off her shoe and tried it on. Kasukat naman pala. Sakto lang sa size ng paa nito. “Thanks.” Sabi pa ni Paige. Ayaw sana niyang tanggapin pero hindi yong time para mag-inarte pa.

“So, I’ll asked it again… anong plano mo ngayon?”

Napatingin ng seryoso sa kanya si Paige habang inilalagay nito ang sirang sapatos sa loob ng bag. “Siguro… maghahanap muna ako ng trabaho. Tapos, icacancel ko na rin ang scholarship at admission sa Hartford. Pagkatapos nun…” Nagkibit-balikat ito. “…bahala na.”

“That was insane,” Stephen intoned. “Alam mo bang yang “bahala na” na yan ang kinapapahamak ng marami?”

Napilitang ngumiti ni Paige. It was also hard for her of course. A total madness. Fourth year na sya. Konti nalang at graduate na. Pero sa sitwasyon nya ngayon… “Do I have a choice? Mas ok na makakain ako at least once a day kesa naman sa pumasok sa University na gutom at matulog sa kalye.” Binuksan nito ang pinto at akmang aalis.

“Sandali.”

“Ano na naman?” Medyo asar na tanong nito sa kanya. Iniabot nya dito ang isang blue shirt na kahit alam niyang malaki dito e wala naman itong choice. “Ano yan?”

“Isuot mo.” Maikli nyang sagot. “Hindi ako magtataka kung hilahin ka nalang ng mga rapist dyan sa tabi-tabi,” dagdag pa niya. Mukhang nag-aalangan pa kasi itong abutin yong damit.

Hinablot ito ni Paige sa kanya saka agad na umalis. He sighed and trailed after her matapos ang ilang minuto pero wala na ni anino nito. Ang bilis naman pala nun maglakad. Letting out a breath, he darted back inside. Naawa na talaga sya dito pero may sarili naman itong buhay and had the rights to decide for herself. Well, in fact, may choice pa si Paige at ipinagkait nya yon. Kung pinayagan lang nya itong mag-stay sa place nya then she would not be forced to leave the University. The downfall on the other hand was on him. Napakakomplekado ng trabaho nya. He cannot risk it. Lalo na kung may pinanghahawakan siya. He draw out the key on his jeans and went to get his things. May klase pa syang dapat na attendan and a duty to fulfill. Stephen suddenly halted and remembered na hindi pa nga pala sya nagsosorry kay Paige sa nangyari kanina. He sighed. Maybe some other time he's gonna make it out for her.

Ang totoo hinintay lang siya ni Paige na makaalis ng hotel saka lumabas sa pinagtataguan nito. Mataman lang nitong pinagmasdan ang papaalis na nitong sasakyan. Paige took a deep breath and headed somewhere she doesn’t know yet. Nakikisabay nalang siya sa agos ng mga tao. Hanggang sa makita nalang niya ang sarili sa gitna ng mga ito. Napa-busy ng lahat at hindi maalis sa mga ito ang iisang bagay. That similar gesture of looking at their watches every now and then. Nakikipaghabulan nalang ang mga ito palagi sa oras. Ni pag ngiti siguro nalimutan na ng mga ito. Pera. Yon nalang ba ang nagpapadaloy sa mundo? Kahit naman kaligayahan hindi nun mabibili. Kahit na anong pagsesenti niya, that hurtful truth remains. Along with the visible reality that the world had become engage on material things and nothing but momentary happiness. Wala nang contentment ang mga tao as they strive harder for something they cannot own for eternity. Yong scholarship nalang nga ang passport niya para makahanap ng magandang trabaho pagkatapos nyang makagraduate then she was about to let it go. Pag wala pa syang nahanap na trabaho ngayon, tatalon nalang siya sa tulay. Sinabunutan agad niya ang sarili. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip nya. Gagaya pa sya sa trendy issue ng suicide. Absurd.

Chapter Eleven

Dizziness plus frustration. Yon ang nararamdaman nya habang nilalakad ang napakaingay na sidewalk. Nilalampasan lang sya ng mga tao, kaliwa’t kanan. Mabilis lang na lumipas ang mga oras pero bokya pa rin sya. Walang tumanggap sa kanya kasi wala daw bakante. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan sa uhaw. Nanlalamig na pati ang pawis na umaagos sa leeg nya. Daig pa ang binabad sa yelo ang pakiramdam. Medyo manhid na rin ang mga palad nya. Naramdaman nalang nya ang biglang panlalabo ng paningin kasabay ang hindi inaasahang pagbangga sa isang hindi naman niya kilalang tao na muntik pa niyang ikatumba. Buti nalang pinsan nya si Tarzan at nakakapit agad siya sa poste.

“Miss!” Narinig niyang tawag ng isang babae, wearing thick mascara. Hindi na niya ito masyado pang pinansin dahil sa hilo niya. “Okay ka lang?” Tanong nito saka siya inakay sa malapit na bench. Nang medyo okay na sya, hinanap nya yong babae pero wala na ito sa tabi nya.

May sa multo ata yong isang yon. O baka naman guni-guni ko lang?  

Nagulat nalang siya ng may biglang magsalita sa likuran nya. “Everything’s fine?” Nilingon niya ito. It was the same face she saw nung nanlalabo pa yong paningin niya. Agaw-pansin ang suot nitong red tube tops na hanggang pusod lang along with a sexy mini-skirt. Wow. Napakasexy naman nito. Meron pang dangling earrings tapos naka-red lipstick pa. Naupo ito sa tabi nya saka inabot ang isang bottled juice. “Here. Inom ka muna.”

Naalangan pa siyang tanggapin ito. Agad nyang kinuha yong wallet nya. Twenty dollars. Twenty dollars nalang natitira sa kanya. Saan naman kaya aabot yon? Kinuha niya ito at iniabot sa babae. “Pasensya ka na. Yan nalang ang pera ko e.”

Natawa naman ito sa kanya. “Hindi naman kita sinisingil a.” Kinuha nito ang kamay nya saka iniabot ang juice. For free.

“Meron pa rin palang free ngayon.” Sabi nya dito saka ngumiti ng bahagya. “Thanks.”

The woman smiled. “I’m Margarette.”

“Ah… Paige.” Hindi na sila nag-shake hands para namang hindi na uso yon ngayon e. Okay na yong simpleng smile smile nalang.

Napatingin ito sa pack bag nya. “Tumakas ka ba sa inyo?”

“Ah. Nope. Wala naman akong tatakasan.” Bulong niya. Margarette frowned. Napansin niya ito at agad na napailing. “W-Wala… wag mo nalang pansinin yon.” Mahaba pa kasing istorya kung ikukwento nyang lahat dito. Besides, hindi naman sila ganun close. Maya-maya pa ay tumayo na rin sya. Wala na ang sakit ng ulo nya tsaka there were still businesses to finish. “Sige…” sabi nya dito. “Marami pa kasi akong kelangang gawin. Salamat nalang sa juice.” Paige remarked sabay ngiti dito.

Pinilantik ni Margarette ang dark and long eyelashes nito. “Sandali. Naghahanap ka ba ng trabaho?”

Napatigil siya sa narinig. Tama ba ang narinig nya? “Trabaho ba ang sabi mo?”

Tumango-tango si Margarette. “Mukha kasing naghahanap ka ng trabaho sa get-up mo.” Talagang naghahanap sya ng trabaho for crying out loud! Napakunot ang noo niya saka nag-isip ng ilang minuto. Mapagkakatiwalaan ba nya ang babaeng ‘to? Hindi kaya raket lang? Wala naman sigurong masama kung susubukan nya. 

“Tama. Naghahanap talaga ako ng trabaho. May alam ka ba?” Usisa niya. Bahala na nga. Mukha namang seryoso itong Margarette na’to.

Napangiti naman ito. “Halika ka.”

Mabilis itong tumayo at nagsilbing guide papunta sa future job nya. Amido syang nag-aalangan talaga sya sa papasukin nya pero kelangan nya talagang magkatrabaho e. It's now or never. Napabuntong-hininga na lamang siya habang sinusundan ito. Pero sa tuwing tinitingnan nya ang pananamit nito parang nag-aalangan na naman siya. Nabaling naman ang atensyon ng lahat sa kanya. Sa kanya nga ba? O sa babaeng nasa harapan nya. Napakasexy kasi talaga ni Margarette. Those slender legs and rounded bottom. Naningkit tuloy ang mata niya. Ano nga kayang klase ng trabaho ang i-ooffer nito sa kanya? Sana lang mali sya ng iniisip.

Namalayan nalang niya na binabaybay na nila ang isang maliit na eskinita. At sa dulo nun ay isang napakamataong lugar. Ano naman kaya itong napasok nya? Maraming lasing na may dala-dala pang alak. Parang talaba

1 ... 7 8 9 10 11 12 13 14 15 ... 24
Go to page:

Free e-book «Dating a Geek, Crimson Skye [find a book to read txt] 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment