25th Hour, Micah Fruto [e book reader pdf txt] 📗
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour, Micah Fruto [e book reader pdf txt] 📗». Author Micah Fruto
"Homosexual ka naman 'di ba!" inasar ko naman siya.
"Ikaw ha sumosobra ka na! Kahapon ka pa!" mukhang nainis din siya sa akin.
"Sungit nito! Basta bahala ka na!"
"Yeah right bahala ka na rin!"
Dahil hindi ako nakatingin sa likuran ko, bigla na lang akong may tinamaan na kung sino. Ako nga yung napatumba eh. Tapos nakita ko may matanda na sa harapan ko at nahulog yung binibili niyang kung ano.
"Naku sorry po! Hindi ko po sinasadya. Pasensya na po talaga." nakipulot naman ako doon sa nahulog ko.
Lumapit din si Jasper at nakipulot din. Tinulak ko nga sya kaya napatungkod yung isang kamay niya sa gilid.
"Ang sama nito!"
"Tutulong ka pa eh ikaw naman may kasalanan.." teka.. parang mali yung statement ko ah?!?
"Ikaw nga yung bumangga eh.."
Ini-offer ni Jasper yung kamay niya doon sa matanda para makatayo. Kasi naman eh padalos-dalos masyado Riel! Hindi tinitignan yung dadaanan.
"Sorry po talaga ha.. kung nasaktan ko po kayo, sabihin niyo lang.. sorry po."
Tinitigan naman ako nung matandang lalaki. Tapos napakunot-noo siya. Nung una, kinabahan pa ako nun. Tapos hinawakan niya ako sa pisngi ko. Grabe naman itong matandang 'to.. close kami?
"Mam Arielle?" sabi niya sa akin tapos inalis na niya yung kamay niya sa pisngi ko.
"I'm sorry? Magkakilala po ba tayo?"
Si Jasper naman eh lumapit pa lalo. Mukhang interesado naman siya sa naririnig niya.
"Mam?"
Pineke ko naman yung ngiti ko at tinulak ko si Jasper.
"Eh kasi magalang lang siya.. ano eh.. magkasama kami sa pinagtratrabahuhan ko dati..."
Halata kong hindi naniniwala si Jasper nun. Yung matanda naman eh hinila ko sa gilid para hindi marinig yung sasabihin.
"Kilala niyo po ako?"
"Hindi ba anak ka ng mga Lopez?"
"Uhmm.. opo." kinabahan naman ako nun.
"Naku!" tuwang-tuwa naman siya, "Kay ganda mo namang bata ka! Dati akong nagtratrabhao sa Daddy mo kaya lang lumipat na kami ng asawa ko. Kilala ka ng anak ko, sa katunayan gandang-ganda nga siya sa iyo eh. Si Dayday?"
Wala talaga akong matandaan sa sinasabi niya.
"Excuse me lang po ah.." nakialam na si Jasper, "Kaanu-ano niyo po si Riel?"
"Si Mam Riel?"
"Magkasama nga kami sa trabaho!!!"
"Shhh.." tapos humarap siya doon sa matanda, "Kaanu-ano niyo po siya?"
Oh please.. don't tell.. don't tell.. please! Don't tell HIM!!!
"Eh kilalang-kilala ko itong bata na ito eh. Syempre nagtrabaho ako sa kanila dati.."
"Nagtrabaho?"
"Bakit hindi mo ba alam na anak siya ni Sir.. Lopez?"
"Oh yeah.. tatay ko. Lopez apelyido!" hinila ko si Jasper, "Tara na.. bibili na tayo ng gamit."
"Saglit lang.." ang lakas niya kaya nag-stay siya doon, "Ano po yun uli?"
"Nagtrabaho ako sa tatay niya sa farm nila sa Zambales.. ako pa nag-alaga nung kabayo nila.."
Phew! That's much better.
May tumwag naman doon sa matanda na matandang babae rin at pinapalabas na siya. Walang magawa si Jasper kundi hayaan na umalis na lang yung matanda.
Sinuswerte lang ako.
Tumingin si Jasper uli sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawang braso ko.
"Are you hiding something?"
"Wala!" yun na lang yung sinabi ko.
"Eh bakit ganyan ka kumilos?" seryosong-seryoso siya.
Umatras siya uli, iniwas yung tingin tapos binalik niya uli sa akin.
"Kung may gusto kang sabihin, pwede naman sa akin eh." hindi sya mapakali, "You can trust me. At kung ayaw mong may makaalam, hindi ko sasabihin. You can take my word to it."
Nag-isip naman ako. Mukhang totoo naman yung sinasabi niya.
Should I tell him? Right now?
*** Nakatingin lang siya sa akin nun at naghihintay ng sagot ko. Kahit ako nalilito rin nung mga oras na iyon. Sabi naman niya eh mapapagkatiwalaan ko siya. Siguro nga... seryoso kasi siya masyado.
Kaya ang ginawa ko, binalik ko yung tanong sa kanya.
"Tingin mo ba may tinatago ako?" hindi ko kasi masagot eh.
"Oo! err.. No.. yes.. NO. Ano?!" medyo nalilito rin siya, "Bakit ako kailangan sumagot niyan?"
"Eh sa ating dalawa ikaw lang naman ang nagdududa.."
"Yeah right!" nagisip-isip din siya, "Never mind. Nilito mo lang ako lalo. Hanapin na nga natin yung materials."
Nauna siyang naglakad kaya sinundan ko lang siya. Nakatingin lang ako sa likod niya. Palingon-lingon siya doon sa mga stall kaya nakikita ko yung mukha niya ng sideview.
Hindi ko nga sinabi sa kanya yung totoo. Bakit? Ayoko. Ayoko pa. Siguro kung may balak man akong sabihin yung totoo, malalaman nila dahil naramdaman kong tama na yung time para doon.. hindi dahil tingin nila dapat ko nang sabihin.
Siguro nga mali ako, pero naniniwala ako na hindi lahat ng DAPAT ay TAMA. Dahil kapag lagi kang sumusunod sa iniisip mong DAPAT, hindi ka magiging masaya. Yung nagpapasaya sa iyo, kahit na sa tingin ng iba eh HINDI DAPAT, yun ang TAMA.
Magulo ba? Ngayon kasi, parang yung sinsasabing DAPAT eh sabihin ko na sa kanya yung totoo. Pero yung isang side ko, huwag ko munang sabihin sa kanya yung totoo. Bakit? Dahil sa tingin ko kapag isa ako sa mga "typical kids" mas maeenjoy ko ang lahat. Kapag may social status na, para akong nasa gitna at may malaking pader na nakapalibot sa akin. Siguro nga mahirap intindihin, pero... hindi talaga eh.
"Ito pwede ba?" tinaas niya yung malaking board.
Tumango na lang ako.
In the end, bumili na lang kaming dalawa na sa tingin namin eh makakatulong kahit na hindi naman namin talaga talent ang props ng theater.
Ang dami-rami na naming dala nun. Si Jasper ang nagdala nung mabibigat at medyo malalaki samantalang ako eh yung mga magagaan at maliliit lang. Tawa nga ako ng tawa sa kanya kasi nasa harapan niya yung malaking board kaya hindi niya masyadong nakikita yung dinadaanan niya at kung may tatamaan niya. Kaya ang ginawa namin, ako yung nasa harapan niya at ako yung nag-guide sa kanya.
So far, it worked.
Bumalik na kami doon sa school at dumeretso na kami sa auditorium. Nakita namin yung iba na nagre-rehearse na sila ng lines nila at yung iba naman eh kumakanta. Nung makalapit kami eh narinig naming kumanta si Mandee.
"There goes the baker with his tray, like always The same old bread and rolls to sell.." tapos nilakihan niya yung boses niya, "SELL!!" eh hindi pa rin kumbinsido yung teacher kaya niliitan naman niya, "sell.."
Tapos huminto siya dahil nakatingin lang sa kanya yung teacher at nakahawak sa ulo niya.
"Sabi ko sa iyo Mandee, yung sell pataas.." nakita na niya kami ni Jasper, "Kanina pa kami sa song na yan hindi pa rin niya makuha-kuha. Tatlong kanta na nga lang ang gagawin sa play, paano pa yung iba kung simula pa lang hindi na makuha?"
"Ano po yung mga kanta na pinili niyo?"
"Yung 'Belle', 'Beauty and the Beast', saka yung 'Something There' " tinaas niya yung pinagbibibili namin, "Sumasakit na nga yung ulo ko eh..."
Si Mandee eh hindi naman naririnig yung sinasabi nung teacher dahil busy siya sa pagkanta niya.
"Ev'ry morning just the same Since the morning that we came..." paulit-ulit yung pagkanta niya.
Napatingin lang si Jasper sa akin at napalunok.
"That's awful.."
Tinignan ko rin siya. Napailing na lang ako.
"Yan din yung sinabi mo sa akin nung kumanta ako alam mo yun?"
"But you know I'm joking right?"
"HINDI!" sinigawan ko nga.
"Kumakanta ka?" inabot niya sa akin yung lyrics, "Try mo ito."
Hindi ko alam yung kanta nun kaya pinarinig pa nila sa akin yung tape para malaman ko kung paano. Then, sinubukan kong kantahin.
"There goes the baker with his tray, like always The same old bread and rolls to sell Ev'ry morning just the same Since the morning that we came To this poor provincial town" kaya ayun.. huminto na rin ako.
Nakatingin lang si Jasper at yung teacher sa akin. Nailang tuloy ako. Hindi ko alam kung ano na ba...
"VARGAS!!" tinawag niya si Mandee na nasa stage, "You're fired. Ikaw na uli ang Belle Riel. Backstage ka na Mandee, kasama mo si Jasper."
Akala ko man din eh ligtas na ako at hindi ko na kailangang magsaulo ng mga lines. Ngayon naman, binalik pa sa akin yung role. Ang gulo no? Si Carlo naman, narinig ko na ring kumanta. Nag-practice kasi siya sa likod ng stage. Kinakanta niya yung part niya sa song na 'Something There'. Partner ko na si Carlo, kasi siya si Beast.
Si Kay, narinig ko na ring kumanta. Siya kasi yung kakanta ng Beauty and the Beast. At maganda naman yung boses niya. Part lang naman ng tatlong kanta yung nasa play. Hindi buo.
Mukhang mahirap ito ah..
Chapter 3After ilang days, panay practice lang kami ng practice sa theater. May malaki kaming mascot ng Beast na isusuot ni Carlo sa ulo niya. Yung ibang mga props na basket at mga damit sa town people eh madali na lang. Si Kay naman eh may carton lang siya na nakakorteng tea-pot. Theatrical play talaga.
Nagtawanan kaming lahat nung sinabing may part daw ng kissing scene pero syempre peke naman at hindi totohanin. Sa part na mamamatay na si Beast, iki-kiss ko daw yung mascot ni Carlo. Ayos lang naman yun kasi yung mascot ang ikikiss at hindi siya. Then sasara yung thick curtain, tatanggalin yung mask niya.. prince na siya kunwari uli.
Tapos ganun din kina Kay. Tatanggalin lang nila yung mga mascot nila.. ayos na. Yung final kiss eh peke rin. Silhouette naman. Maglalapit lang kami ng mukha ni Carlo, mag-cross, pero hindi naman talaga mag-kiss. Sa tingin lang ng mga tao na nasa audience, parang ganun na nga.
Nakakapagod din yung mga practice namin pero ok lang. Sinadya lang nilang gawing busy kami kasi within two weeks ipeperform kasi yun. Bumabalik-balik din kami sa mga klase namin kapag hindi pa namin time mag-practice. Usually naabutan namin yung Values Ed.
Si Jasper naman, ayun.. tinuturuan ko pa rin kay Kay. Nung sinabi ko sa kanya nun na kausapin niya dahil ang girls minsan naghahanap ng kausap, tama bang ikwento yung namatay daw niyang aso. Ano namang nakakatuwa doon? Palpak na naman. Nung sumunod eh sinabi ko uli na maging sweet siya at bigyan niya ng kahit binili lang niyang candy sa cafeteria. Hinintay ko siya kung ano yung ibibigay niya at nakita ko yung hawak niya, CHICKEN SOUP. Tama ba iyon?
"Chicken soup?"
"Sabi mo kasi bigyan ng kung ano eh!"
"Yeah, sabi ko maging sweet ka. That's nice, magbigay ka. Pero bakit naman chicken soup? Palitan mo yan!"
"Ano pala dapat?" yumuko na lang siya.
"Ok, huwag na nga yun!"
Everyday, binibuild-up ko rin siya kay Kay. Lagi kong binabanggit yung pangalan niya, mga magagandang traits.. at kung anu-ano. Pero hindi maganda yung kinalalabasan, iniisip naman ni Kay may gusto ako sa kanya kaya tumigil din ako.
Ilan na ba yung nagawa at nasabi ko kay Jasper para ma-appreciate siya ni Kay?
Una, magpapansin.. in a good way. Palpak naman. Pangalawa, maging matulungin. Palpak din dahil natapon niya nun yung iced tea. Sumunod, mag-act as company. Palpak din dahil walang kwenta yung kinuwento naman. Fourth, maging sweet. Sweet nga balak naman sana eh magbigay ng chicken soup. Fifth.. mag-text siguro sa kanya. At least kapag may communication 'di ba.. nagiging close.
"I-text mo siya.."
"Bakit naman?"
"Communication? Sumasakit ulo ko sa iyo.."
"Nakkahiya kaya mag-text. Wala naman akong sasabihin!"
"Kahit ano!!" tapos nag-isip ako, "Ask her on a date... or something."
"Ayoko! Hindi ako nagyayaya ng date. Yung iba ngang classmate ko ako niyaya dati ako lang umayaw, tapos ngayon ako magyayaya?"
Naiinis na talaga ako sa kanya. Siraulo! Gusto niyang magkagusto sa kanya si Kay, o maging bridge ako sa kanya.. pero yung kinikilos naman eh walang kwenta.
"JASPER!" sinigawan ko nga sya, "Every single day kadikit kita para lang i-coach sa gagawin mo. Palpak lahat. Napapagod na ako. Sumasakit na yung ulo ko! Ano bang balak mo?!?"
"Ewan ko, kaya nga dumedepende ako sa iyo
Comments (0)