25th Hour, Micah Fruto [e book reader pdf txt] 📗
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour, Micah Fruto [e book reader pdf txt] 📗». Author Micah Fruto
At yun na rin yung part na pinakita niya yung malaking library sa palace niya.
Medyo napapagod na rin ako nun dahil kailangan mabilis kang kumilos. At syempre, turn naman na ni Kay para pumasok. May dance naman kami ni Beast. Yung kanta eh sinasabayan namin ng sayaw syempre. Slow Dance pa nga.
"Tale as old as time True as it can be Barely even friends Then somebody bends Unexpectedly. Just a little change Small to say the least Both a little scared Neither one prepared Beauty and the Beast."
Ang ganda ng boses ni Kay! Kinakarir nga niya yun eh. Nag-thumbs up nga ako sa kanya sa likod ko eh habang sumasayaw kami ni Carlo.
"Ever just the same Ever a surprise Ever as before Ever just as sure As the sun will rise. Tale as old as time Tune as old as song Bittersweet and strange Finding you can change Learning you were wrong. Certain as the sun Rising in the east Tale as old as time Song as old as rhyme Beauty and the Beast."
Narinig ko namang bumulong si Carlo sa akin nun. 'Ang ganda mo Riel!' Kaya natawa lang ako.
Syempre, hindi rin nagtagal, nagkaroon na naman ng effect ng thunder at lightning. Dumating na yung mga townpeople para patayin si Beast. Ako naman eh nasa likod at wala ako sa scene dahil darating lang ako eh yung mamamatay na siya.
Scene na iyon ni Jasper at Carlo dahil si Jasper ang papatay kay Beast. Siya kasi si Gaston 'di ba?
"Si Jasper?" tinanong ko naman si Mandee dahil hawak niya yung string ng kurtina.
Inirapan ba naman ako.
"Nasa stage na syempre!" sinigawan niya ako.
Nung malapit na matapos yung play, tinulak ako nung teacher namin dahil nalimutan ko na scene ko na dapat pumasok. Nakita ko na nakahiga na kunwari si Beast doon sa stage at may pekeng blood pa siya.
Tumakbo naman ako para lumuhod.
"Don't die! Please! Beast! Don't die!"
Panay lang ang sabi ni Carlo ng Beast at hinawakan niya ako kunwari sa pisngi ko.
At syempre, kailangan ko na naman umiyak. Bago pa bumagsak yung kamay ni Beast, nai-whisper ko pa yung salitang 'I Love you' tapos hinalikan ko yung Mascot ni Carlo.
Ang corny talaga nun. Nung practice namin, ito yung part na tawa kami ng tawa. Hindi lang namin magawa ngayon.
Syempre, may magical song pa na kung ano. Nagkaroon ng yellow lights... tapos sinara nila yung kurtina uli para silhouette na naman yung pagpapalit ni Carlo as Beast.. to a Prince.
Hindi niya maalis yung mascot niya kaya tinulungan ko na. Pinagpapawisan na nga siya dahil halatang init na init na. Kaya lang pagtanggal ko eh nagulat na lang ako at hindi ako makagalaw.
"JASPER?!" binitawan ko nga yung mascot sa tiyan niya.
"Aray ko masakit yun!" hinawakan niya yung mascot tapos binato niya sa gilid, "Hi BEAUTY!"
"A-akala ko si.. a-akala ko.. si CARLO??"
"Ibig mong sabihin eh si Gaston?!?"
WHAT?!? Nagpalit sila? All this time yung guy na kasama ko sa stage at naka-mascot eh si Jasper?!?
Binuksan nila uli yung kurtina at kuwari eh tumayo na si Jasper. Prince na siya kunwari. Nakangiti siya sa akin at ako naman eh nagtataka lang sa kanya. Pretty much BELLE reaction kapag nag-change ang isang beast sa harapan mo. Hindi ako makapagsalita.
Yumakap naman si Jasper sa akin at ako naman eh napilitan na lang din. Nasa scene kasi yun eh.
Syempre, diniliman na lang nila uli yung stage para ipakita sina Kay na normal na tao na kunwari uli. Tinakpan uli kami ng kurtina, dahil may kissing scene naman na hindi naman talaga totoo.
"Mag-cross lang yung pisngi para kunwari nag-kiss sa tingin ng tao.." masama na yung tingin ko sa kanya.
"Says who?!?" laging yun yung dialogue niya kapag may balak siya.
Dahil nakatingin ako sa kurtina, nung paglingon ko sa kanya eh...
ARRRRRGHHHH!
Susuntukin ko sana siya nun kaya lang inalis na yung kurtina.
Nung pinaka-finale na namin, nagtabi-tabi yung cast at sabay-sabay kaming nag-bow. Wala na ako sa sarili ko nun. Bigla na lang nagpalakpakan yung mga tao at isa ako sa mga nauna na bumalik sa backstage nung matapos na.
Humabol sa akin si Kay at si Jasper. Saka ko lang nakita si Carlo na katabi si Mandee sa kurtina.
"Riel!" tumingin si Kay sa akin, "Bagong blush-on ka ba?" hinawakan niya yung pisngi ko.
"Uhmm.. ahh.. oo." naki-oo na lang ako kahit hindi naman talaga.
Ibig sabihin namumula na naman yung pisngi ko.
"Bro! Ang galing nung silhouette niyo ni Riel ah! Ang galing! Para kayong nag-kiss!" inakbayan siya ni Carlo.
"Parang totoo ba?!?" tumingin si Jasper sa akin tapos tumawa. "Ewan. Tanungin niyo si Riel.." tinuro niya ako.
"A-ako? Bakit ako?!?"
"Ikaw makakasagot 'di ba? At least yung last part kanina.."
"You knew I'm not gay right?!?" nakakainis naman! Bakit niya tinotoo yung kissing scene?!? ***22*** Hindi talaga ako makapaniwala nun. Ewan ko ba kung anong pakiramdam ko sa kanya, naiinis ba ako o ano? Pero sa totoo lang.. parang may..
'di bale na nga lang. Wala naman siguro yun. Baka alam mo na, na-shock lang ako kaya kung anu-anong nararamdaman ko.
Dahil nga kahit papaano eh naiinis ako sa kanya, tumingin ako ng masama tapos sumigaw ako ng...
"BADING! BADING KA!" inasar ko muna siya bago ako pumasok ng dressing room.
Hindi rin nagtagal, sumunod din sa akin si Kay para magbihis na. Nakatingin lang ako sa kawalan nun at hindi ako makakilos. Kung hindi pa siguro niya ako tinulungan, ewan ko na. Baka hindi na siguro ako nakapagbihis.
Saka lang ako natauhan nung bigla niyang sinabi na..
"Totoo yung kissing scene niyo kanina no?!?"
Tumingin lang ako sa kanya.
***
Maaga kong ginising si Kay dahil gusto ko rin na maaga kaming makaalis ng boarding house. Ayoko kasi na makasalubong ko pa sa bathroom si Jasper o kaya naman si Carlo. Mukhang wala pa ngang balak bumangon si Kay nun at pumipikit-pikit pa yung mata niya. Pero dahil pinilit ko nga siya, bumangon din naman.
"Bakit ba ang aga-aga mo akong ginisng? Alas-4 pa lang ah!" pero ayun, tinulak-tulak ko siya para dumeretso kaagad siya ng bathroom.
Maaga kaming nakaalis ng boarding house at wala pa yatang alas-6 nun. Medyo gising na ang diwa ni Kay at dahil nga malapit yung school, saglit lang eh nakarating na kami.
Nagulat kami parehas nung nakita naming may banner sa harapan ng gate. Nakalagay eh..
Thank you very much to our number 1 donor Miss Mandee Vargas also known in her initials, A.L. We are so honored to have you here at our school!!!
Hinawakan ni Kay yung banner at napakunut-noo siya sa akin.
"What the heck?!?"
Ngumiti lang ako pero wala akong sinabi.
"Wala ka man lang bang balak gawin?!? Kahit ano?" hinila na niya ako pumasok sa school.
"Gaya ng ano?"
"Ikaw si A.L.!! Hindi mo ba naiintindihan yun? Si Mandee narerecognize sa lahat ng ginawa tapos wala kang balak gawin?" hysterical na talaga si Kay.
"Sabi ko sa iyo dati pa, anonymous si A.L. Wala akong balak magpakilala. Ano iisipin nila? Impostor ako? At kung hindi niya aaminin yung totoo, it's her problem.. not mine."
"Alam mo pinsan minsan naiisip ko kung kamag-anak ba talaga kita o galing ka sa mental hospital eh. Tao ka ba?"
Napatingin kami ni Kay doon sa gilid nung bigla-bigla na lang may natalisod. Hindi namin alam na may tao pala doon malapit sa swing. Nanlalaki yung mga mata niya. At diretso siyang nakatingin sa akin.
Teka.. kilala ko ito ah.
"Ronnie?!?" yung classmate namin na pinagtripan ni Jasper ng glue dati na hindi niya natuloy, "Anong ginagawa mo diyan?"
Tinuturo naman niya ako at parang may gusto siyang sabihin na parang 'di niya masabi. Lumapit tuloy si Kay sa kanya at tinapik siya ng malakas sa likod.
"I-ikaw.. i-ikaw si A.L.?"
Turn ko naman lumapit sa kanya at tinakpan ko kaagad yung bibig niya. Tumingin-tingin ako doon sa gilid ko kung may tao pa.
"Shh.. shh.. narinig mo lahat?"
Tinatakpan pa rin ng kamay ko yung bibig niya kaya tumango lang siya.
Ako naman eh bumilis yung tibok ng puso ko.
"Naku Ronnie! Please lang.. walang dapat makaalam nun!" ano ba naman yan?!? "Ako si A.L., pero wala akong balak siraan ang sino man ah.. si Mandee.. or anyone.. okay? Please be quiet about it.. huh? Pwede ba?"
Tumango na naman siya sa akin.
"Kaya ikaw RONNIE!" seryoso naman si Kay, "I-leak mo yung information ha. Kailangan makarating sa principal..."
"Kay!"
"Kailangan makarating sa pricipal na.. si Mandee si A.L.!!" sumimangot siya.
"Promise mo.. ha hindi mo sasabihin. Promise mo! Gusto ko marinig kong sinsabi mo na hinid mo sasabihin kahit kanino.." hindi pa rin siya nagsasalita, "Ronnie naman eh mangako ka!" inalog ko siya ng kaliwang kamay ko.
Humawak naman si Kay sa right hand ko.
"Cousin.. tinatakpan mo yung bibig niya kaya hindi siya makapangako."
Napansin ko na totoo nga.
"Sorry Ronnie, my bad."
Mukhang ok lang naman at alam ni Ronnie. Siguro nga iki-keep naman niya yung promise niya at hindi naman nya sasabihin. Harmless naman siguro na may isa sa school bukod sa aming dalawa ni Kay nakakaalam na ako talaga si A.L.
Isa lang naman ang ikinakatakot ko. Gusto ko na alisin nila yung banner sa labas ng gate. Baka kasi nagkataon na nagda-drive si Daddy around town at mabasa niya yun. Disaster yun kapag nangyari.
Wala pang time eh nakaupo na kaming tatlo nila Kay sa room at nagusap-usap. Nung malapit na mag-time, dumami na rin yung mga tao sa room at maraming nag-congratulate sa amin doon sa Beauty and the Beast.
Nung hinihintay ko na mag-time, may umupo naman sa tabi ko.
"Galit ka?" narinig ko pa lang yung boses alam ko na.
"Hindi."
"Eh bakit parang galit ka?!?" naririnig ko pa rin siya nun. Nakatingin kasi ako sa gilid eh.
"Hindi nga ako galit."
"Kung hindi ka galit bakit hindi mo ko tinitignan?!?" ang dami niyang tanong no?!?
"Jasper hindi nga ako galit ang kulit mo naman eh!!!"
"Tingnan mo galit ka sinisigawan mo ko!"
Humarap naman ako sa kanya. Kung hindi ko pa haharapin, mangungulit lang siya eh.
"Ok.." mahinahon na ako, "Hindi ako galit. Happy?" pineke ko yung ngiti ko.
"Not really." umiling siya, "Gusto ko umupo ka doon sa upuan sa likuran." tinuro niya yung upuan sa likuran na katabi nung upuan niya, "Doon ka."
"Bakit naman ako uupo doon?"
"Friends nga tayo 'di ba?!?"
Tinaasan ko nga ng kilay ko.
"Oo nga eh.. kaya nga.. FRIEND.. dito ako sa upuan na ito, doon ka sa likod ko. Ok na yun!" nilabas ko yung binder ko at nilagay ko sa desk.
"Sige na!"
Arrgghhh! Hindi talaga siya papatalo!
Tumayo ako at kinuha ko yung bag ko at yung binder na nilabas ko. Nilapag ko sa sahig yung bag ko at sa desk yung binder para makaupo ako.
Tinititigan lang ako ni Jasper na papaupo na ako. Nakakapagtaka talaga sya.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Hindi ka pa ba uupo?"
"Uupo nga eh!"
Paano ko ba malalaman na oras na umupo ako nun eh isa sa mga embarassing moments ng buhay ko. Paano ba naman kapag upo ko, yun pala yung sirang upuan kaya natumba ako at napaupo ako doon sa sahig.
Tawa ng tawa si Jasper. Ako naman, walang nakakatawa doon. Yung ibang classmates din namin eh nagtinginan at yung ilan-ilan sa kanila eh ngumisi lang.
"You think that's funny?!?" seryoso na ako nun at kinuha ko yung binder ko, "HINDI SIYA NAKAKATAWA!" medyo naiiyak na ako nun.
Lalabas na sana ako ng room at gusto ko pumunta sa girls restroom kaya lang narinig kong sumisigaw si Jasper at tnatawag ako.
"Riel!" tumakbo siya nun para habulin ako, "Riel!"
Binilisan ko naman yung pagtakbo ko doon sa hallway kaya hindi na niya ako nahabol. Nakakainis naman siya! At ito talaga, totoo na. Tama bang ipahiya ako? Papaupuin ako sirang upuan tapos tatawanan pa niya ako?
"Riel! Sorry na! Ginawa ko lang yun dahil--" sinandal niya yung isang kamay niya sa pader, "Sana lang pwede ko sabihin sa iyo kung bakit!"
"Sana lang alam mo kung ano yung nakakatawa sa hindi!" sumigaw din ako doon sa hallway.
Bigla na lang may humawak sa balikat ko.
"Miss Lopez, magsisimula na ang klase. At bawal sumigaw sa hallway.."
Bumalik na lang ako sa klase nun. Kahit na iniinis pa rin ako ni Jasper kakatawag niya, hindi ko na lang pinansin. Siguro nga nature na niya yun. Nasa dugo na niya ang pagiging...
prankster.
Nung breaktime nga namin eh hindi ko pa rin siya kinakausap. Nahalata niya rin siguro niya yung damage
Comments (0)