25th Hour, Micah Fruto [e book reader pdf txt] 📗
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour, Micah Fruto [e book reader pdf txt] 📗». Author Micah Fruto
Hndi siya makatiis nun. Nasa cafeteria na kami ni Kay eh umupo ba naman sa harapan ko.
"Sorry na Riel! Sorry na talaga!" humahawak pa siya sa kamay ko nun.
"Ayaw ni Riel ng sorry mo!" niloko siya ni Kay.
"Kasalanan ko na ok? Napahiya ka kanina!" seryosong-seryoso siya, "Ano gusto mo gawin ko para tanggapin mo sorry ko? Lumuhod ako?!?"
"Oo lumuhod ka para mas sincere!"
Tinignan ko si Kay. Ang kulit din nito.
"Sige luluhod ako."
Luluhod na sana siya nun. Isang tuhod lang yung nakaluhod yng isa sinasandalan niya ng kamay niya.
"Sus ang OA!!" nag-comment naman si Mandee.
Tumingin si Jasper, tapos bumalik uli sa akin.
"Sorry na. Sabihin mo lang anong gagawin ko para tanggapin mo sorry ko. Kahit ano..."
"Oo na.. ayos na!" hindi naman ako masamang tao na nagtatanim ng sama ng loob.
Basta nag-sorry, ayos na ako.
"Tumayo ka na diyan at hari ka na ng drama."
Tumayo naman na siya at mukhang hyper na naman dahil nakangiti siya. Papaalis na sana siya at bumalik na siya sa table nila.
Si Kay eh inasar na naman ako kay Jasper nun. Hindi lang niya alam na gusto naman siya ni Jasper. Kumain lang kami ng kumain nun na para kaming elepante at nag-alarm na dahil sa time.
At eto na naman yung numbers na naririnig ko sa kanila dati.
"8.." sabi nung isa na hindi ko kilala
"8.." sabi ni Carlo.
"6.." si Jasper eh tinatapon pa yung pinagkainan nila.
Nagsabay pang tumingin yung dalawa niyang kasama sa kanila.
"6? Bakit ganun?"
"Gusto ko eh. Yung isa, 9."
"Whoa.. some change there... 9 din ako sa isa."
"8.. di kami close."
Tinignan ko lang si Jasper nun nung dumadaan kami. Umayos siya ng pagkakatayo niya at hindi man lang siya ngumiti.
"Bro tama na nga yan, hindi dapat binibigyan ng grades ang babae.."
"Ikaw nga nagpauso niyan sa ating tatlo eh!"
"Pwes ngayon hindi na!"
Bigla ba naman akong dinaanan. Ano ba naman yun?
"Ikaw nagsabi nun 'di ba? Na hindi tamang bigyan ng grades ang babae? From now on, hindi na." hininaan niya yung boses niya, "Huling beses ko na gagawin yun. Nung unang beses na binigyan kita ng grade, I gave you a 6." tapos ngumiti siya sa akin, "I gave you 9 this time."
Hindi ko alam kung matutuwa na naman ba ako nun o maasar o magtatanong. Yun ba yung the same game na 10 ang pinakamataas, tapos 1 ang lowest.
Hindi na lang ako nagsalita. Bago pa siya umalis nun eh may binulong siya ng mahina kaya lang narinig ko.
"Out of 9."
Hindi pa nagsi-sink sa utak ko yung sinabi niya nung tumakbo siya.
Whoa...
"WHAT?!?" he's kidding..or.. is he? ***23*** Habang tumatagal at nakakasama ko si Jasper, lalo siyang nagiging 'I-don't-understand-his-brain' guy. Totoo naman eh. Minsan ayos naman siya, may time naman na ang gulu-gulo. Katulad...
Well.. araw-araw naman yata.
Hindi ko na lang siya tinanong doon sa sinabi niya sa akin tungkol sa pag-grade niya ng mga babae. Lalung-lalo namang hindi ko na ioopen sa kanya yung sinabi rin niya na...
I gave you a 9... out of nine. That's weird. Meron bang nag-grade ng perfect?
Anyways, the next week.. ganun pa rin naman ang buhay namin. Tumawag ang Daddy ko at kinukumusta pa nga ako. Naalarma nga ako sa kanya paano ba naman nagbigay ba naman ng comment na pupunta daw siya sa school At syempre kapag si Szarielle Madrigal Lopez ka, gagawa ka at gagawa ng paraan para hindi mapunta ang Daddy mo sa school at mabuking ka.
Ganun nga ang nangyari... so na-erase naman na yung problema ko na yun.
So eto na naman ako, another day. Dumaan ako sa locker ko sa hallway at kinuha ko yung mga gamit ko. Ang dami nga nun at panay hardbound books pa yung iba.
Hindi ko pa nalalabas lahat at baka maging hunchback na ako, may sumandal naman na halimaw doon sa kabilang locker kaya nagulat pa ako.
"Anak ng AUSTRALIA naman!" ewan ko kung bakit Australia ang unang pumasok sa isip ko.
"Hindi naman, PINAS lang." ngumiti siya ng kaunti, "Teka nagpapauso ka ba?"
"Hindi." binuhat ko yung libro ko, "Alis na diyan mala-late na tayo."
"Ang sungit mo alam mo yun?!?" sabi niya sa akin.
"Oo! Maraming nagsabi."
Nagsimula na akong maglakad nun pero mabagal lang dahil sa sobrang bigat ng dala-dala. Humabol naman siya sa akin at sumabay sa gilid ko.
"Gusto mo tulungan na kita?" nag-offer pa.
Ang bait naman...
"Hindi na." ang bait pero contradictory yung sagot ko? "Kaya ko na. Doon lang naman yung room eh.." tapos tinuro ko yung dulo ng hallway.
"Dali na tutulungan na kita..." hinila niya yung kabilang end ng books ko.
"Ako na, hindi na kailangan." hinatak ko pa-side ko.
"Sige na pumayag ka na, ang bigat nito oh.." hinila na naman niya.
"Mabigat nga pero kaya ko na!" hinatak ko uli.
"Riel, ang dami nung books mo. Akin na yung iba.." malakas na yung paghila niya.
Hindi ko talaga binitawan yung books ko.
"Feeling mo naman dahil babae ako hindi ko kayang buhatin ito? Hoy, kaya ko no!" malakas din yung paghatak ko.
Bakit ba ako nakikipag tug-of-war sa kanya?
"Bilisan mo na! Ibigay mo na sa akin para tapos na! Sige ka lalo tayong mala-late sa klase!" hinawakan niya uli, tapos hinila niya sa tiyan niya.
"Ayo--" hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko. "AYAN NA NGA!!" tapos tinulak ko lalo sa tiyan niya ng sobrang lakas.
Napaatras tuloy siya.
"Bakit mo tinulak?" hnawakan niya yung tiyan niya, "Ang sakit nun ah!"
"Gusto mo 'di ba? Ayan na."
"Nagbago na isip ko...kunin mo na nga." tinulak naman niya sa side ko.
I can't believe this guy...
"Akin na.." kukunin ko uli.
"Loko lang 'di ka mabiro!"
"Nambwibwisit ka ba?!?" tinanong ko siya, "Kasi kung oo, effective masyado."
"Ooh thanks!" nakangiti pa siya nun. "Say number 2 Riel!"
"Say what now?" nakakapagtaka naman.
Sabi nila matalino si Jasper. Sigurado ba sila na matalino siya as like a gifted child or a special child? Kasi sa kaso niya, parang special child siya eh.
Dumating naman kami sa roon nun awa ng Diyos. Pero late na rin kami kaya inasar pa kami nung mga classmates namin dahil sabay kaming dumating. Yumuko pa nga si Jasper kasi sa harapan ba naman siya dumaan. Ako kasi sa likuran eh.
Nagklase lang kami. Na-boring nga ako kaya hindi rin naman ako nakinig. Nag-quiz pa kami sa Calculus, naka 7/10 ako. Hindi naman masama kahit hindi ka nakinig. Si Jasper naka 9/10. May mali siyang isa at sign lang. Nilagay niya positive intead of negative.
Does that matter? I guess.
Nung breaktime namin ng umaga, pumasok si Kay at mukhang cheerful naman ang bruha. Kapag ganyan ang itsura niya na parang nakangisi na hindi mo maintindihan, maganda yung nangyari.
"Ano nangyari sa iyo?"
"Guess what!" sabi nya tapos naupo sa tabi ko, "Kinakausap nila si Mandee ngayon."
"Anong meron?"
"Ano pa! Tinatanong siya kung bakit hindi siya nagdo-donate. Kasi parang nanalo yata siya sa Wordsmith, may premyo siya ng P100.00, ayun ikinain sa cafeteria. Syempre nag-iba yung tingin sa kanya. Kung siya si A.L., pati ba naman isang daan lulubusin niya?" tawa ng tawa si Kay.
Hindi ko alam kung makikisama ba ako sa pagtawa niya. In the end, hindi na lang.
Hindi lang naman iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Mandee. Nung nakaraang linggo, bumili siya ng pagkain niya, halos hindi naman niya nagalaw. Imbis na ibigay niya yung hindi niya nagalaw doon sa walang pambili, tinapon niya lahat. Bakit naman daw niya ibibigay doon sa ibang tao eh hindi naman nila pera?
Addition to that, tinapon niya yung A.L. shirt na binigay sa kanya nung nurse.
Umalis naman kaagad si Kay nun dahil kakain pa yata sya kaya naiwan ako mag-isa sa loob. Hindi naman ako gutom nun kaya naupo na lang ako. Isa pa sa dahilan niya, may gagawin din daw siya.
Kakaupo ko doon, narinig kong nag-ring yung cellphone ko kaya hinanap ko pa sa bag ko. Nung nakita ko na yung 3315 ni Kay, tinignan ko muna kung sino yung tumatawag. Napansin ko, unknown number. Hindi naka-store sa inbox ko.
Sino 'to?
"Hello?!?" napansin ko na medyo maliit yung boses ko nun.
"Hey, Anong ginagawa mo?"
Anong ginagawa? Close ba kami?
"Err.." hindi ko alam isasagot ko, "Do I know you?"
"Ito na naman itong si Do I know You person. Naalala mo yung tinext ko dati sa impression ko sa iyo? Ako yung Ian guy na naka-text mo."
"Wait up... yung na wrong send?"
Teka.. si Carlo yun 'di ba?
Tumayo ako nun sa upuan ko at nagsimula ako maglakad papuntang pintuan para tignan kung nasaan si Carlo at kung may hawak siya na phone. Kaya lang muntik pa akong nadapa dahil nakakalat yung basahan sa gitna.
"Carlo, are you trying to pull a trick on me?" yun na lang ang tinanong ko. "Kasi nakausap na kita dati alam mo yun!"
"Carlo?!?" halata mong gulat yung boses niya, "Inaasahan ko Ian yung itatawag mo sa akin tapos ngayon Carlo?"
Biglang nagsalita siya.
"Ok, I give up Kay. Panalo ka na. Kung niloloko mo ko, panalo ka na."
"Kay?!? I'm not Kay." naiinis na ko. "Ano ka ba naman Carlo!"
Nag-step ako doon papalabas ng room namin kaya lang may nakabangga ako. Napahawak pa ako sa braso niya para hindi ako matuluyan sa sahig.
Napakunut-noo ako kasi may hawak din siyang phone at may hawak din akong phone.
"Cc-carlo?!?" nabubulol pa ko nun at hindi ko alam kung nawala lang ba ako sa sarili ko nung binanggit ko yun.
"KAY???"
Oh My God... don't tell me what I'm thinking...
is what I'm thinking??? I'm Lost. ***24*** Lalo talaga akong naguluhan nun. Si Jasper... si Jasper yung ka-text ko dati? Paano namang nangyari yun eh samantalang si Carlo yun ;di ba? Ano ba yan!!! Sumasakit na yung ulo ko.
"Teka.. ikaw ang ka-text ko? Hindi pwede..." tinuro ko siya tapos umiiling pa ako, "Si Carlo ang ka-text ko."
"Yeah right. Si Kay rin ang ka-text ko.." huminto siya tapos nanahimik.
Sabay kaming umupo doon sa gilid at walang makapagsalita sa amin. Bigla na lang siyang tumingin sa akin.
"Saglit lang, si Kay ba talaga yung ka-text ko?"
Tingnan mo, hindi rin pala siya sigurado masyadong nagmamagaling.
"Malay ko!" lumayo nga ako ng kaunti, "Basta alam ko may nakatext ako nun, then sinabi ni Carlo siya yun..."
Nilabas ni Jasper yung phone niya at lumapit siya sa akin. Bigla niyang inangat yung phone niya at hinarap niya sa akin.
"Number mo 'to?" tapos tinignan ko yung nasa phonebook niya na Kay ang nakalagay pero...
"Number ko yan.." yun na lang ang nasabi ko.
Turn ko naman tumingin sa phone ko. Unlike sa kanya, naka-store yung number. Nilabas ko yung phone ko at pinakita ko sa kanya.
"Kaninong number 'to?"
Tinitigan naman niya tapos nilagay niya sa bulsa niya uli yung phone.
"Kay Carlo nga yan.." see? Si Carlo nga!
Tinignan ko naman yung mga recently received calls. Ito lang yung kanina at nakita ko na naman yung unknown number.
"Eto, kanino ito?"
"Sa akin kanino pa ba!" sinigawan ba naman ako, "Kausap lang kita kanina!"
"Eh siraulo ka pala bakit galit ka?" bumulong ako sa gilid, "Nagtatanong lang yung tao."
"O sige.." naging mahinahon na siya, "Isa-isahin natin 'to ah. Paanong number mo yung number ni Kay?"
"What're you talking about? Number ko na ito.. noon pa!" napaisip naman ako, "Matagal na."
"Number mo?" iba na yung expression ng mukha niya, "Nakuha ko yung number na ito nung nasa shop tayo. Yung Motorolla V3 ni Kay? 'Di ba tinignan ko that day? Tinignan ko lang yung phonebook para sa number niya."
Whoa... that day.. what happened that day? Isip Riel.. isip...
Oh yeah. That day nagpalit kami ng phone ni Kay kaya lang hindi pa namin napapagpalit yung sim card namin. So nakuha niya... yung number ko.
"Kung phone yun ni Kay, bakit sim card mo?" sumandal siya doon sa pader.
"Eh.. eh... ano.. kasi... KASI... hiniram ko yung phone niya!" yun na lang ang naisip ko, "Bakit wala na ba kaming karapatan magpalit ng phone? Gusto ko lang naman maranasan na magka-RAZR eh. Since wala akong pambili, hiniram ko phone niya.." what a liar!!
"Kung yun ang kaso.. fine!" iniwas niya yung tingin niya sa akin, "My bad. Akala ko number ni Kay."
Lalabas na sana siya kaya lang pinigilan ko naman. Unfair naman yata yun. Alam na niya yung kanya tapos yung akin hindi pa? Kung siya yung naka-text ko dati, paanong naging si.. CARLO?
"Ikaw ba talaga yung naka-text ko?" yun na lang ang pumasok sa isip ko na itanong sa kanya.
"Ang una kong tinext sinadya ko yun. I can't remember,
Comments (0)